CRISPY CHICKEN FILLET with MAYO-CATSUP DIP
Dapat sana gagawin kong Crispy Chicken Sandwich itong nabiling kong chicken breast fillet. Kaso, komo nga nagkasakit ako nitong mga nakaraang araw, hindi ako nakapag-plano ng mga iuulam namin that week. So wala akong maisip na pang-ulam para sa araw na yun, kaya naisipan ko na lang na ito ang iluto a samahan na din ng mayo-catsup dip para mas sumarap pa.
Ang pitso o breast part ng manok ay medyo dry pag naluto at wala itong masyadong lasa. Kaya mainam na tamang seasoning o marinade ang gawin bago ito i-prito. Mainam din na kainin na ito agad pagkaluto para crunchy pa talaga.
Ang recipe na ito ay pareho din kung gagawa kayo ng crispy chicken sandwich o burger. Dagdagan nyo lang ng lettuce, tomatoes,cucumber at cheese ay ayos na ayos na ito. Try nyo din po.
CRISPY CHICKEN FILLET with MAYO-CATSUP DIP
Mga Sangkap:
4 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (skinless)
1/2 Lemon or 6 pcs. Calamansi
1 cup Flour
2 cups Japanese Breadcrumbs
1 pc. Egg (beaten)
Salt and pepper to taste
1 cup Mayonaise
1/2 cup Tomato Catsup
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet, ilagay muna ang piraso ng chicken breast fillet sa isang plastic at saka pitpitin hanggang sa medyo numipis ito. Ilagay sa isang bandehado.
2. Timplahan ng asin, paminta at katas ng lemon o calamansi at hayaan ng mga 30 minuto o higit pa.
3. Ilubog ang bawat piraso ng chickenfillet sa binating itlog saka igulong naman sa harina. Ilunog ulit sa binating itlog at pagkatapos naman ay sa japanese breadcrumbs. At saka i-prito ng lubog sa kumukulong mantika. Lutuin ang magkabilang side hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. For the dip: Paghaluin lang ang mayonaise at catsup at saka timplahan ng asin at paminta.
Ihain ang crispy chicken filet habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments