HONEY-BUTTER-GARLIC GLAZE CHICKEN WINGS

Marami na ring resto o fastfood dito sa Manila na nagse-served ng fried chicken na coated ng sari-saring mga sauces.   Kung baga nasa taste mo na kung ano ang gusto mo na kasamang sauce.   Ang pansin ko lang sa mga fried chicken na ito, matabang at walang lasa kung yung manok lang ang kakainin mo at walang sauce.   Sa madaling salita ang isinasarap nung fried chicken ay hindi dun sa chicken mismo kundi sa sauce.

Sa sariling version ko naman hindi ganun ang ginawa ko.   Minarinade ko muna yung chicken bago ko pinirito at saka ko inihalo sa sauce o glaze.   the best na ihain ito ng mainit o kakaluto lang.   Winner talaga!



HONEY-BUTTER-GARLIC GLAZE CHICKEN WINGS

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Wings
6 pcs. Calamansi o 1/2 Lemon
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
1 pc. Egg (beaten)
Salt and pepper to taste

For the sauce or glaze:
1/2 cup Melted Butter
1 head minced Garlic
1/2 cup Pure Honey Bee
2 tbsp. Tomato Catsup
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  I-marinade ang chicken wings sa asin, paminta at katas ng calamansi.   Overnight mas mainam.
2.  Alisin ang chicken wings sa marinade mix.   Ilagay ang binating itlog at lamasing mabuti ito para malagyan ng itlog ang lahat na parte ng manok.
3.   Ilagay sa isang plastic bag o zip block ang manok at ilagay na din ang cornstarch at harina.   Isara at alug-alugin hanggang sa ma-coat ang lahat na piraso ng manok.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
5.   For the sauce/glaze:    Sa parehong kawali, alisin ang lahat na mantika.
6.   Igisa ang bawang sa butter hanggang sa medyo pumula ito.
7.  Ilagay na ang tomato catsup, honey bee, brown sugar, salt, pepper at mga 1/2 cup na tubig.   Halu-haluin hanggang sa medyo lumapot ito.
8.   Tikman ang  sauce at i-adjust ang lasa.
9.   Ilagay sa ginawang sauce ang piniritong manok at haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na piraso ng manok.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Note:   Kung gusto ninyo na medyo spicy, pwede nyong lagyan ng chili sauce ang sauce o glaze.   ano ang sinabi ng buffalo chicken wings?   hehehehehe

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy