ORANGE ROAST CHICKEN
The last time na mag-grocery kami, may nabili akong mandarin oranges na sale. Bale buy 1 take 1 siya. Bale 4 pcs. per pack so 8 pcs. lahat yun.
Habang nag-iisip ako kung anong luto ang gagawin ko sa buong manok, nakita ko itong mga oranges na ito. At dun nabuo na gamitin ito para pang-marinade sa manok at saka ko iro-roast sa turbo broiler. Masarap naman ang kinalabasan.
Ang gusto ko pang idagdag dito ay sa pamamaraan ng pagro-roast sa manok. Sa totoo lang medyo nagkamali ako sa isang ito na niluto ko. Nawala sa loob ko na matamis nga pala ang oranges at madali itong masunog kapag nainitan. Kaya ganyan ang nagyari sa skin ng manok sa photo. Kaya kapag magluluto kayo ng ganito, balutin nyo muna ng aluminum foil ang manok sa 1st 15 minutes nang pagluluto at tanggalin ang foil sa huling bahagi.
TRy nyo din po.
ORANGE ROAST CHICKEN
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (about 1.2 kilos)
1 whole Mandarin Orange
1 tsp. Orange Zest (ginadgad na balat ng orange)
1 head minced Garlic
1/2 tsp. Ground Black Pepper
1 tbsp. or more Rock Salt
Paraan ng pagluluto:
1. Tusok-tusukin ng tinidor ang lahat na bahagi ng katawan ng manok.
2. Kiskisan ng pinaghalong paminta at asin ang loob at labas na parte ng manok. Hayaan ng ilang sandali.
3. Sa isang zip block o plastic bag, ilagay ang orange zest, katas ng oranges at dinikdik na bawang. Ipasok sa loob ng manok yung natira pang balat at sapal ng orange.
4. Ilagay ang manok sa plastic bag at hayaang ma-marinate ng 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
5. Balutin ng aluminum foil ang manok at saka isalang sa turbo broiler.
6. Lutuin ito sa pinaka-mainit na settings (250-300 degrees). Alisin ang foil after ng mga 20 minuto at patuloy na lutuin hanggang sa pumula ang balat ng manok.
Ihain na may kasamang gravy o lechon sauce.
Enjoy!!!!

Comments