TORTANG GINILING in BANANA LEAVES


Hindi ko alam kung may gumagamit pa din ng dahon ng saging kapag nagluluto tayo ng torta .   Di ba komo hindi pa uso noon ang mga non-stick na kawali ginagamitan nila ng dahon ng saging ang pagpi-prito ng torta para di manikit sa kawali.

Ganito din ang ginagawa ng aking Inang Lina noong araw.


TORTANG GINILING in BANANA LEAVES

Mga Sangkap:
1/2 kilo Lean Ground Pork
1 large Potato (cut into small cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 pcs. Tomatoes (chopped)
3 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1 tbsp. Worcestershire Sauce
Salt and pepper to taste
Banana Leaves (i-cut na hugis bilog depende sa laki ng torta na nais nyo)
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kawali, i-prito muna ang patatas hanggang sa maluto.
2.   Sunod na igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3.   Ilagay na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin, paminta at worcestershire sauce.   Halu-haluin.   Tikman at i-adjust ang lasa.   Hindi kailangan lutong-luto ang giniling dahil ipi-prito pa ulit ito.   Basta mawala lang yung pagka-pink ng karne.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin sandali.
4.   Ihalo ang binating itlog sa nilutong giniling.
5.   Sa isang plato o platito, magsapin ng isang dahon ng saging.   Maglagay ng nais na dami ng pinaghalong giniling at itlog.
6.  I-prito ito sa kaunting mantika hanggang sa maluto ang ilalim na parte ng torta.   Maaring takpan ng ilang sandali.
7.  Hanguin sa platong ginamit at lagyan ng isa pang dahon sa ibabaw.   Takluban ng parehong laki na plato at baligtarin.   Ibalik muli sa kawali at lutuin ang kabilang side.

Ihain habang mainit pa na may kasamang catsup o toyo na may calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir baka pwede po mag request ng recipe ng beef shawarma yung marinade po nun. And Nachos Toppings po! :) Salamat po!
Dennis said…
Hello! Hindi ko pa na-try na magluto o gumawa ng shawarma. I think salt and pepper lang ang itinitimpla tapos niro-roast na. For the nachos toppings, anything will do. Ginisang beef or pork, tomatoes, cucumber, cheese, chicken...anything pwede naman. I hope it will help. - Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy