TUNA LASAGNA ROLL
Remember yung No Bake Meaty Lasagna na niluto ko para sa birthday ng anak kong si James? Yes. May natira pang lasagna pasta sheets at balak ko talagang gawin ang lasagna roll na ito. Pero sa halip na ground meat ang inilagay ko na palaman ay tuna naman ang ginamit ko. Yes. Yung nasa lata lang. Corned tuna to be specific.
Sa picture na ito, hindi ko na ito na-bake dahil nagmamadali na ako para ipakain sa aking anak na papasok pa sa school. Okay din lang naman dahil masarap daw at nagustuhan naman niya.
Sa intruction ko sa ibaba, yung complete procedure ang ilalagay ko para masundan ng lahat. Actually madali din lang naman. Try nyo po.
TUNA LASAGNA ROLL
Mga Sangkap:
Lasagna Pasta sheet (cooked according to package directions)
2 cup Clara Ole 3 Cheese Pasta Sauce
1 can Corned Tuna
2 cups Quick Melt Cheese (grated)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Olive Oil
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang lasagna pasta sheets according to package directions. I-drain at palamigin sandali.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Isunod na agad ilagay ang corned tuna at 3 cheese pasta sauce. Timplahan ng asin at paminta. Palamigin sandali.
4. To assemble: Ilatag ang bawat piraso ng lasagna pasta.
5. Lagyan ng tama lang na dami ng tuna pasta sauce.
6. I-roll ito at ilagay sa isang baking dish.
7. Ilagay ang natirang tuna pasta sauce sa ibabaw ng lasagna roll at budburan ng grated quick melt cheese sa ibabaw.
8. Isalang sa oven hanggang sa matunaw lang ang cheese sa ibabaw.
Ihain ng medyo mainit-init lang.
Enjoy!!!!
Comments