PORK in CREAMY MUSHROOM-ROSEMARY SAUCE
This is a simple pork dish na hindi nyo aakalain na ganun kasarap. Kahit nga ang mga anak ko ay nagustuhan ito. Simple at ilan lang ang mga sangkap pero punong-puno ng flavor o lasa at madali pang lutuin.
Actually, wala naman ankong sinunod na recipe. Basta ginawa o niluto ko lang ito base sa kung ano ang nasa isip ko. Yung dried rosemary nga last ko na naisip para kako mas lalong sumarap. At tama nga, nakadagdag ito ng flavor sa kabuuan ng dish.
PORK in CREAMY MUSHROOM-ROSEMARY SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into 2 inches long)
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Butter
1 small can Sliced Mushroom
1 tsp. Dried Rosemary
5 cloves Minced Garlic
1 largeWhite Onion (Sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Cornstarch or Flour
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng pork belly ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng pork belly. Set aside.
3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas at dried rosemary.
4. Ibalik ang na-brown na pork belly sa kawali at lagyan ng 1 tasang tubig at yung sabaw ng mushroom. Takpan at hayaang lumambot ang karne. Lagyan ng tubig pa kung kinakailangan.
5. Kung malambot na ang karne ilagay na ang mushroom at ang all purpose cream. Hintaying kumulo at saka hinaan ang apoy.
6. Timplahan ng Maggie magic sarap. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch o harina para lumapot ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Salamat Ruel sa patuloy mong pagtangkilik sa food blog ko. Sana mai-share mo din ito sa iyong mga kaibigan at kamag-anak. Dont forget to click also yung mga ADS.
Thanks again
Dennis
Salamat :)