PAN-GRILLED PORK BELLY


Nasabi ng asawa kong si Jolly na gusto naman daw niya ng inihaw na ulam.   Hindi naman niya sinabi kung inihaw na isda ba o karne ang kanyang gusto.   Dalawa lang naman ang pwede kong gawin sa hiling niya.   Isa, bumili na lang ng inihaw na isda sa isang ihaw-ihaw malapit sa aming bahay.   At pangalawa naman ay magluto ako pero pan-grill nga lang.  Wala naman kasing pagiihawan sa bahay namin.  hehehehe

 Komo kumpleto kami nitong nakaraang Linggo sa bahay, nito ko naisipang magluto ng inihaw..yun nga pan-grill nga lang.  Pork belly o liempo ang niluto ko at ayos naman dahil nagustuhan ng lahat ang aking ginawa.

Simple lang ang timpla at luto na ginawa ko dito.  Pero yun nga, ang importante ay napasaya mo ang gusto ng iyong mga mahal sa buhay.   At isa pa, kahit simple lang ang inyong ulam basta sama-sama kayo ay okay na okay talaga.


PAN-GRILLED PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
1 can or 12 oz. Sprite or Mountain Dew Soda
6 pcs. Calamansi
1 head minced Garlic
1/2 cup Worcestershire Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Freshly crack Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Rock Salt
2 tangkay Tanglad o Lemon Grass

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin ang magkabilang side ng pork belly.   Hayaan ng ilang sandali.

2.   Sa isang bowl baghaluin ang toyo, worcestershire sauce, katas ng calamansi, sprite o mountain dew soda, bawang, paminta, brown sugar at konting asin.   Isama na din ang ginayat na tanglad.   Yung bottom or ehite part lang.
3.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang pork belly ang ang ginawa marinade mix.   I-marinade ito ng overnight.
4.   Para lutuin, mag-spray o mag-brush ng kaunting mantika sa inyong pan-griller.   
5.   I-ihaw ang liempo sa nais na tamang luto.

Ihain na may kasamang sawsawang toyo na may calamansi at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
i just happily discovered your food blog. However, do you have english versions of your recipes. Am visayan kasi.
Dennis said…
Naku pasensya na...in tagalog kasi talaga itong food blog ko na ito. Baka kasio mag-nose bleed ako kung pure english ang gagawin ko. hehehehe. Anyway, if you have any questions don't hesitate to post it here.

Thanks

Dennis
Unknown said…
Hi Dennis. We're planning to open up an INIHAW BUSINESS yung paluto & plan ko gamitin tong recipe na to. Manipis lang ang gusto namin about 1/2 cm in thickness. Kailangan pa ba lagyan nang soda to tenderize? Grilled po sa uling hindi pan grilled. And also di ba to mahal na recipe or do you have another one for commercial but masarap din syempre. Thanks.

Edwin
Dennis said…
I suggest na lagyan mo pa din ng soda. Iba kasi yung lambot ng karne kapag nababad dito. At masarap.

Another suggestion: Kung sa business mo ito gagamitin, It's better na wag mong titipirin yung recipe. You compute first for your cost then saka ka mag-pricing at markup. Kung basta-basta lang kasi ang lasa ng inihaw mo baka di ka balik-balikan ng customer. Just my friendly advise.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy