BEEF and BROCCOLI in OYSTER SAUCE
Nagkaroon ng munting salo-salo ang mga kaibigan ng asawa kong si Jolly nitong isang araw. Mga dating katrabaho niya ito at minsan-minsan lang talaga sila nagkikita-kita. Isang araw bago ang kanilang salo-salo, tinawagan ako ng aking asawa at nagpapaluto ng dadalhin niyang food. Medyo late ang nagin abiso niya sa akin kaya kung ano ang meron na lang sa fridge ang siya kong niluto.
Beef na dapat sana ay gagawin kong Korean Beef Stew kaya lang komo 1 kilo lang ito mas minabuti kong lagyan na lang ito ng broccoli para mas dumami. At yun nga ang ginawa ko. Nagpabili na lang ako ng broccoli at ito ngang beef and broccoli in oyster sauce ang kinalabasan. Nagustuhan naman daw ng mga kumain ang niluto ko.
BEEF and BROCCOLI in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced)
1/2 kilo Broccoli (cut into bite size pieces)
1/3 cup Oyster Sauce
1/3 cup Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang hiniwang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan na ng toyo at 1 cup na tubig. Takpan muli at hayaang lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang oyster sauce, brown sugar at sesame oil.
5. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Para sa brococoli: Habang niluluto ang beef, ibabad ang broccoli sa tubig.
8. Isalin ito sa isang microwaveable na lalagyan at lagyan ng 1/2 cup na tubig.
9. Lutuin ito sa loob ng 2 minuto. I-drain ang tubig na natira.
10. Ihalo ang broccoli sa beef o kaya naman ay ilagay lang ito sa side.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments