BINYAGAN sa BULAKAN BULACAN

Last December 29, 2013, nag-anak sa binyag ang pangalawa kong anak na si James sa anak ng aking pamangkin na si Carla.   Maaga pa lang ay umuwi na kami sa ming bayan sa Bocaue, Bulacan dahil maaga daw ay dapat nasa simbahan na kami ng Nuestra Senora de la Asuncion sa Bulakan, Bulacan.   Taga doon kasi ang napangasawa ng aking pamangkin.

Natuwa akong kuhanan ng picture ang simbahan dahil napaka-ganda nito.   The last time na nandito kami ay nung nag-anak naman ang panganay kong si Jake sa pangalawang anak naman ng aking pamangkin.   That time nire-renovate ang simbahan at ngayon ay pagkaganda-ganda talaga nito.

Maayos namang nairaos ang binyagan.   Ang anak kong si James ang pinakabata sa mga nag-sponsor.

At dahil ang blog kon ito ay isang Food Blog, dapat lang na maipakita ko ang mga pagkaing inihanda pagkatapos ng binyaga.

Ang pamangkin kong si Carla (girl in blue) lang ang nagluto ng lahat ng kanyang inihanda.   Mana talaga siya sa kanyang ina na aking ate na magaling din magluto.    Hehehehe.   4 na putahe lang ang mga ito pero masasarap talaga siya.   Nakalimutan ko nga ang aking diet dahil sa sarap.   hehehe

May country style na fried chicken na nagustuhan naman talaga ng aking mga anak.   Ang anak ko ngang si Jake ay nakailang balik sa fried chicken na ito.

Meron ding Beef with Broccoli.   Medyo kakaunti lang ang brocolli pero masarap talaga lalo na ang sauce nito.

Okay din yung Pork Menudo.   Medyo may kaliiitan lang ang hiwa ng karne.

At ang noodle dish ay itong Pancit Canton na ito na may tenga pa ng daga.   Masarap siya ha at nagustuhan ko din.

Para sa panghimagas, may buchi na may dalawang flavor pa.   May ube at peanut butter flavor.   Masarap din ha.   Sabi ko sa sarili ko gagawa din ako nito.   hehehehe.

Meron ding Jelly Plan na kahit nakalimutang lagyan ng itlog ay naging masarap pa din.

Nakauwi kaming masaya at busog baon ang panalanging lumaki sanang malusog at matalino ang batang bininyagan na si Mark.

Hanggang sa muli.

Comments

Emilia Wenceslao said…
Salamat po sa food blog nyo at marami akong natutuhang lutuin. Gusto ko lamang po na itama ang patrona ng simbahan sa Bulakan. Hindi po Immaculada Concepcion kundi Nuestra Senora de la Asuncion po ang aming patrona. Halos nagkakahawig po sila pero Assumption po kami ang Immaculate Concepcion ay ang Cathedral sa Malolos. Salamat po at nagandahan kayo sa aming parokya. God bless po.
Dennis said…
Salamat Ms. Emilia sa pagtatama mo sa akin. Sige iko-correct natin ang isinulat ko. Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy