BISTEK na MANOK
Isa sa mga paborito kong filipino dish ay itong Bistek. Gustong-gusto ko kasi yung asim ng calamansi at yung alat ng toyo sa karne. Alam natin ang salitang bistek ay mula sa dalawang ingles na salita ang 'beef' at ang 'steak'.
Beef or pork ang pangkaraniwangpangunahing sangkap na ginagamit sa dish na ito. Pero pwede din naman ang isda at manok. May kamahalan kasi kung baka ang gagamitin. hehehehe. Kaya manok na lang muna ang gamitin natin.
Pangkaraniwan na luto ng bistek ay basta lang niluluto ang pangunahing sangkap sa toyo at calamansi. Dito sa ginawa ko, iniba ko ng bahagya ang paraan ng pagluluto para magkaroon ng kakaibang lasa at texture sa finish product. Ang tama nga, mas sumarap ang version kong ito ng bistek na manok. Try nyo din po.
BISTEK na MANOK
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1/2 cup Soy Sauce
10 pcs. Calamansi
2 tbsp. Worcestershire Sauce
2 pcs. White Onion (cut into rings)
1 head Minced Garlic
1 tsp. Fresh Ground black pepper
1 tsp. Sugar
2 tbsp. Cooking Oil
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali o kaserola, i-prito ang onion rings sa mantika hanggang sa medyo maluto ito. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong lutuan i-prito naman ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sunod naman ay i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng manok. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Ibalik sa lutuan ang mga manok na na-brown at ilagay ang toyo at worcestershire sauce.
5. Timplahan ng kaunting asin, paminta at tubig depende sa nais na dami ng sauce. Takpan at hayaang maluto ang manok.
6. Kung naluto na ang manok, ilagay na ang katas ng calamansi. Ilagay na din ang kaunting asukal.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabay ang piniritong onion rings at toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments