CHICKEN SKEWERS MARINATED IN COCO & CURRY POWDER


May nabili akong 1 kilo na chicken breast fillet.   Dapat sana gagawin ko itopng crispy chicken burger, pero nabago ito at naisip kong lutuin na lang ito na parang barbeque.

Para maiba naman, naispan kong i-marinade ito sa curry and coconut cream powder.   May nabasa kasi ako sa isang food blog na ganito ang ginawa.  Sa mga asian restaurant partikular sa Thailand at Malaysia ay may ganitong luto ng chicken barbeque.

Masarap at malasa ang kinalabasan ng chicken skewers ko na nito.   Pwedeng-pwede na ihanda sa mga party o handaan.   Okay din ito palagay ko na pulutan.   Try nyo din po.


CHICKEN SKEWERS MARINATED IN COCO & CURRY POWDER

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet (Hiwain ng pahaba)
1 tsp. Curry Powder
1 sachet Coconut Cream Powder
1 thumb size Ginger (Grated)
Salt and Pepper to taste
1 tsp. Sesame Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl, i-marinade ang chicken breast fillet sa curry powder, coco milk powder, asin, paminta, grated ginger at sesame oil.   I-marinade ito ng overnight.
2.   Tuhugin ang bawat piraso ng chicken fillet sa barbeque sticks.
3.   I-ihaw ito sa baga o kawali hanggang sa maluto.
4.   For the sauce:  Mag-gisa lang ng ilang butil na bawang sa kaunting mantika at ilagay ang sauce na pinagbabaran ng chicken fillet.  Maaring lagyan ng kaunting tubig hanggang makuha ang tamang lapot ng sauce.
5.  Timplahan ng asin at paminta.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain ang inihaw kasama nag sauce na ginawa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy