QUICK & EASY CHICKEN CALDERETA

Hindi ako nawawalan ng mga instant sauces sa aking kitchen.   Tamang-tama kasi ito sa mga busy na mommy at tagapagluto na kagaya ko.   Madali lang kasi itong gamitin at siguradong may lasa ang kakalabasan ng inyong niluluto.

Hindi naman sa pino-promote ko ang mga instant sauces na ito, pero para sa akin nakakatulong ito lalo na kapag nagmamadali ka na na makaluto.   Di ba may isang produkto pa na ilalagay mo lang sa plastic at isasama sa sinaing tapos ay may ulam ka na.   Ofcourse, mas gusto ko pa din yung tradisyunal na pamamaraan ng pagluluto.   Kaya nga sa recipe na ito nilagyan ko pa talaga ng liver spread at atay ng manok para mas lalo pang sumarap.  Paalala pala....free advertisement po ito...hehehe...wala pong ibinayad ang Del Monte sa akin.  Hehehehe



QUICK & EASY CHICKEN CALDERETA

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
250 grams Chicken Liver
1 sachet Del Monte Quick n Easy Caldereta Sauce
250 grams. Baby Potatoes (cut into half)
1 pc. Carrot (Cut into cubes)
1 pc. Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 small can Reno Liver Spread
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa ang manok.
3.   Ilagay na ang Caldereta sauce, patatas, carrots at red bell pepper.   Haluin ng bahagya at takpan muli.   Haluin from time to time para hindi manikit at magtutong ang bottom ng kaserola.   Lutuin ng mga 20 minuto.
4.   Ilagay na ang Reno Liver spread
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy