RAIZA DEE'S 1ST BIRTHDAY
Syempre komo ang blog kong ito ay isang food blog, nais kong i-share sa inyo ang mga pagkaing aming natikman at nakain sa birthday party na ito. Ang nagluto pala ng marami sa mga pagkaing ito ay ang aking mga kapatid na sina Ate Mary Ann at Shirley.
As expected, panalo ang lasa ng Pancit Palabok. Alam nyo kung anong ang isa sa secret na sangkap ng pancit na ito? Hinahaluan ng utak ng baboy ang caldo o ang sauce. Yes pig's brain. Kaya nagiging mas malasa at malinamnam ang pancit.
Syempre hindi mawawala ang Pinoy Spaghetti. Paborito ng mga bata at ng matatanda na din.
Fried Chicken Lollipop ay winner din sa lasa. Ano ang sinabi ng mga fastfood na chicken. Yummy talaga.
Mayroon ding Pork barbeque na tamang-tama ang timpla at lasa. Medyo nasunog lang ng bahagya yung ibang piraso. Hehehehe
Winner sa mga bata ang Hotdogs in banana tree na ito.
Mayroon ding Biko na hindi ko na napansing kainin dahil napadami na ang kain ko ng pancit. Hehehehe
For the drinks, mayroong Sago't Gulaman.
At mayroong ding Maja Maiz na tamang-tama din ang tamis at lasa.
Marami ang naging bisita. Ang lahat naman ay nabusog at nasiyahan sa mga pagkaing inihanda. Nagkaroon din ng pabitin para sa mga bata at give-aways na ipinamigay.
5:30 ng hapon ay nilisan na namin ang party dahil babalik pa kami ng manila. Pero marami pa ring tao sa party. Ganun naman sa amin sa probinsya, basta may mga salo-salo na kagaya nito, talagang pumupunta ang marami sa mga kapitbahay para makisaya.
Hanggang sa muli..... :)
Comments