STEAMED BASIL CHICKEN
Nag-request ang pangalawa kong anak na si James na magluto daw ulit ako nung steamed chicken na niluto ko medyo may katagalan na din. Biro nyo yun natandaan pa niya yung chicken dish na yun? Hehehehe. Sabagay, basta masasarap na pagkain experto dyan ang mga anak ko. Hahahahaha.
Nitong bago mag-pasko, dumating mula sa ibang bansa ang hipag kong si Lita. Isa sa mga ipinasalubong niya sa akin ay itong dried basil. Naisip ko agad ang request ng aking anak kaya naman ng makaraan ang holidays, ginawa ko na ang matagal nang request na ito ng aking anak.
Simpleng-simple lang ang dish na ito pero punong-puno ng flavor at lasa. Kahit baguhan pa lang sa pagluluto ay tiyak kong magagawa ang dish na ito. Try nyo din po.
STEAMED BASIL CHICKEN
Mga Sangkap:
6 pcs. Chicken Legs
1 tbsp. Dried Basil
2 thumb size Grated Ginger
1 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
For the sauce:
Sauce from the steamed chicken
Soy Sauce
Brown Sugar
1/2 tsp. Grated Ginger
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang bawat piraso ng manok at hiwaan sagad sa buto sa magkabilang side.
2. Timplahan ang bawat piraso ng manok ng asin, paminta, grated ginger at dried basil. Make sure na malagyan yung parteng hiniwaan.
3. Ilagay sa isang plastic bag at ilagay ang sesame oil. Alug-alugin o imasahe ang lahat ng manok para ma-coat-an ng sesame oil. I-marinade ng overnight.
4. Magpakulo ng tubig sa steamer. Kapag kumukulo na, ilagay ang manok sa isang heat proof na plato o lalagyan at saka ilagay sa steamer. Lutuin ito ng mga 30 hanggang 45 na minuto.
5. For the sauce: Paghaluin lang ang lahat ng mga sangkap. Ang dami ng toyo at brown sugar ay depende sa dami ng sabaw na makukuha sa lalagyan na pinag-steam-an ng manok.
Ihain habang mainit pa kasama ang sauce.
Enjoy!!!!

Comments