TURBO BROILED RELYENONG PUSIT
After nitong kabi-kabilang kainan nitong nakaraang holiday season, para bang hindi natin malaman kung ano pa ang masarap na mai-ulam.
Kaya nang makita ko ang sariwang pusit na ito sa palengke, binili ko na agad ito kahit na may kamahalan ang presyo. Naisip ko na i-ihaw ito o pan-grill pero naisip ko na lutuin na lang ito sa turbo broiler at palamanan ito ng sibuyas at kamatis na parang relyeno.
Masarap ang kinalabasan. Dahil sa grated ginger na inihalo ko sa kamatis at sibuyas, nawala yung lansa ng pusit. Nagustuhan naman talaga ito ng aking asawa at mga anak.
TURBO BROILED RELYENONG PUSIT
Mga Sangkap:
15 pcs. medium to large size Fresh Pusit
4 pcs. Tomatoes (chopped)
2 pcs. White Onion (chopped)
2 thumb size Ginger (grated)
1 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
Soy Sauce na may konting asukal for basting
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang pusit. Hanggat maaari ay maalis yung ink bag ng pusit sa loob.
2. Sa isang bowl paghaluin ang kamatis, sibuyas, grated ginger, sesame oil at timplahan ng asin at paminta.
3. Ipalaman ang pinaghalong mga sangkap sa bawat piraso ng pusit.
4. Bago isalang sa turbo broiler, hiwaan muna ang katawan ng pusit ng ilang hiwa.
5. Lutuin ito sa turbo broiler nga mga 15 minuto. Pahiran ng toyong may asukal ang katawan ng pusit from time to time.
Ihain habang mainit pa na may sawsawang calamansi na may toyo.
Enjoy!!!!

Comments