UNCLE CHEFFY RESTO @ VENICE PIAZZA MCKINLEY HILLS

Hindi kami madalas kumain ng aking pamilya sa mga restaurant sa labas.   Kahit na may mga espesyal na okasyon mas gusto ko na sa bahay na lang kami kumain.   Medyo choosey din kasi sa pagkain ang aking mga anak.  Sa McDonalds, Jollibee, Chowking, Kenny Rogers at KFC lang ang madalas naming nakakainan.  Mas mura kasi dito as compare sa mga resto talaga.

Sa mahal ng mga bilihin ngayon, alam ko na lahat tayo valued every cents ng mga kinikita natin.   Kaya naman kung may pagkakataon na kumain tayo sa labas, we want to make sure na masusulit yung pera na ibabayad natin.

Hindi ko matandaan kung nakapag-post na ako ng review sa mga restaurant na nakainan na namin.   But for this year, umpisahan ko na mag-review na ng mga restaurant  na na-try na namin.   Take note na hindi po ito paid review.   Nagbayad po ako ng sarili kong pera sa mga kinain namin.   Gusto ko lang pong makatulong sa mga tagasubaybay ng food blog kong ito kung sakali mang maghanap sila ng resto na makakainan.   Also, pangungunahan ko na apo na hindi ako expert pagdating sa pag-review ng mga restaurant.   Ilalahad ko lang po ang personal kong experience sa resto na nire-review ko.




Una na nga po ay itong Uncle Cheffy Restaurant sa Venice Piazza sa McKinley Hills.   First time pa lang namin na masubukan ang resto na ito.


At kagaya ng nakalagay sa kanilang table napkin, this restaurant offers global cuisine pero ang specialty nila ay barbeque dishes at pizza.

Kaya yun naman ang in-order namin.   All Meat Pizza (above).   Marami na din akong na-try na pizza.   Shakeys, Magooze, Dominos, Yellow Cab, Pizza Hut, Angels at marami pang iba.   In all these pizza store, kapag all meat ang flavor, marami talagang meat kang makikita na toppings.   Kabaligtaran sa Uncle Cheffy.   Just look at the picture, parang ilan-ilan lang ang meat na toppings.   Although, ang kaibahan ng pizza nila ay yung nasa side na lettuce, tomatoes at yung isa pa na parang sprout na hindi ko alam ang tawag na inilalagay sa pizza nila.  Family ang size ng pizza na ito pero mukhang dalawang o tatlong tao lang ay mauubos ito.   The taste?   Lasang cheese.   Nothing extra ordinary.   Ang presyo pala ng pizzang ito ay P495.

Ang isa pa na in-order namin ay itong Beef Steak na ito.   Nakalagay sa menu na good for 4 person.   Pero kung titingnan mo parang ang konti ng serving.   Ako nga 2 slices lang ang nakain ko.   For the taste, prang beef na tiniplahan lang ng asin at paminta at pagkatapos ay ini-ihaw.  Pero masarap yung sauce sa side.   Ang presyo nito?   P995 ata?

For the dessert, nag-order kami nitong Uncle Cheffy Cheese Cake.   Nagustuhan ko siya.   Hindi siya masyadong matamis at ang ganda ng plating.   Ang presyo nito I think is P160 o P140 per slice.

Ang isa pang dessert na in-order namin ay itong Italian Leche Plan.   Hindi ko ito natikman dahil dinumog ng aking mga anak.   I think ang presyo nito ay P140 or P160.

Ang total bill ay P2,195 I think.   Naiwala ko kasi yung resibo.

Para sa akin parang hindi sulit ang aming nakain sa aking binayaran.   Or ganun na ba talaga kamahal ang mga pagkain sa resto ngayon?   Okay naman ang service ng mga crew at maging ang paligid mismo ng resto.   Pero kung tatanungin mo ako kung babalik pa ako sa resto na ito?   Baka hindi na.   Okay na yung na-try ko sila at natikman ang dish na ino-offer nila.   Sabi ko nga, malaking factor para sa akin yung value sa aking ibinabayad.

Yun lang po at maraming salamat.

Comments

Anonymous said…
long time lurker first time to comment... ako naman i love uncle cheffy's panizza, it tastes great esp when you top it with arugula tomato and alfalfa and roll everything together ala turon...

we frequent nuvali branch which offers set meals for 4 which include iced tea rice panizza ribs and dessert sampller for around 800+ i think
Anonymous said…
thanks for the review.
Dennis said…
Sure ka na 800+ yung bill nyo? Mura yung bill nyo compare dun sa nakain namin.
Anonymous said…
ohh my 2t plus total?hindi sulit...mabuti pa ngluto ka nlng sir dennis....marami na maibili sa 2t...
Dennis said…
Sinabi mo MyhoneyBunch...hindi talaga sulit. Buti sana kung napakasarap talaga yung lasa ng mga nakain namin..hindi naman. Well...hindi na lang siguro kami mauulit sa resto na yun. Just my opinion.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy