BISTEK na TILAPIA


Ang isdang tilapia marahil ang masasabi nating pangkaraniwang isdang pangulam ng karaniwang Pilipino.   Dati galunggong di ba?   Pero mas mahal na ang presyo nito ngayon kumpara sa tilapia.   Sa Quezon City nga may mabibili ka na P70 ang per kilo nito kumpara sa P120 per kilo ng galunggong.

Pangkaraniwan, prito o yung may sabaw ang ginagawa nating luto dito.  Yung iba ginagataan pa.   Mainam siguro na tumuklas pa tayo nang pwedeng gawing luto dito para naman hindi ito nakakasawa.

Siguro itong lutong bistek ang pwede pa nating gawin.  Kung baga, sa halip na gawin nating sawsawan ang katas ng calamansi at toyo, bakit hindi natin itong gawing sauce ang isama na sa piniritong tilapia.   Samahan pa natin ng toasted garlic at piniritong sibuyas.   Winner ang ating hamak na piniritong tilapia.   Try nyo din po.


BISTEK na TILAPIA

Mga Sangkap:
5 pcs. medium size Tilapia
8 pcs. Calamansi
2 pcs. large White Onion (cut into rings)
2 heads minced Garlic
1 cup Soy Sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Worcestershire Sauce
1 tsp. Cornstarch
1 pc. Chicken cubes
Salt and pepper to taste
Cooking for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng tilapia.   Hayaa ng ilang sandali.
2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa isang sauce pan, i-prito ang onion ring sa mantika hanggang sa medyo maluto ito.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   I-prito din ang bawang hanggang sa matusta.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.   Sa parehong sauce pan ilagay na ang toyo, worcestershire sauce, katas ng calamansi, brown sugar, chicken cubes at 1 cup na tubig.   Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
6.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.   Maaring lagyan ng tubig pa kung kinakailangan.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Ibuhos ang ginawang sauce sa ibabaw ng piniritong tilapia.  Ilagay na din sa ibabaw ang piniritong sibuyas at bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy