CHICKEN BINAKOL sa UPO
Ang Chicken Binakol ay katulad din lang ng alam nating lahat na Tinolang manok. Ang pagkakaiba lang nito ay may halo itong laman at sabaw ng buko. Ok naman talaga ang lasa ng sabaw nito. Naghahalo yung flavor ng inyong manok at yung manamis-namis na lasa ng sabaw ng buko.
Also, pangkaraniwan na inilalagay natin sa ating tinola na gulay na kung hindi chayote ay hilaw na papaya. Depende siguro kung ano ang available. But this time, upo naman ang aking inilagay. Masarap din naman lalo na kung sariwea o bagong pitas ang inyong upo.
Hindi ito bago sa ating lahat. Ang pinupunto ko lang kagaya ng mga nasabi ko na sa ibang ko post, mainam na nilalagyan natin ng variation o twist ang ang mga niluluto para hindi maging boring sa ating mga panlasa. Remember yung tinolang manok ko din na nilagyan naman ng pakwan? Masarap din di ba? Kaya huwag magdalawang isip na mag-inovate sa inyong mag niluluto. Mas mainam nga yun eh. Natututo tayo.
CHICKEN BINAKOL sa UPO
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 small size Upo (cut into cubes)
1 pc. Buco (juice, meat)
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
Dahon ng Sili
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Whole Pepper Corn
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang manok at timplaha ng paminta at asin o patis. Haluin. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Ilagay ang sabaw at laman ng buko, hiniwang upo at nais na tabi ng tubig para sa sabaw. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok at gulay.
4. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
5. Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang apoy.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments