KOREAN STYLE ROASTED CHICKEN


Isa sa mga paborito kong site dito sa net itong www.yummy.ph.   Madalas akong bumisita dito para mag-browse ng mga recipes na madali lang gawin at madali din lang hanapin ang mga sangkap.   Yun din kasi ang nagustuhan ng maraming regular na tagasubaybay ng food blog kong ito, yun bang simple lang ang mga sangkap at madali lang lutuin.   At isa nga sa mga nakuha kong recipe ay ito Korean Style na Roasted Chicken.


KOREAN STYLE ROASTED CHICKEN

Mga Sangkap:
6 pcs. Chicken Legs
1/2 cup Soy Sauce
1 thumb size Ginger (grated)
1/2 tsp. Ground Black pepper
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Rock Salt
1 tsp. Sesame Oil
1 tbsp. Toasted Sesame Seeds
1 small Onion (chopped)
5 cloves Minced Garlic

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwaan ang paligid ng chicken legs para tumagos sa laman ang marinade mix.
2.   Sa isang bowl bagpaluin ang toyo, grated na luya, paminta, asin, brown sugar, asin at sesame oil.
3.   Pakuluan ito sa sauce pan ng mga 5 minuto.   Tikman ang marinade mix at i-adjust ang lasa.  Palamigin muna.
4.   Ilagay sa iang plastic bag o zip block ang manok at ang pinalamig na marinade mix.   Ilagay muna sa fridge ng 1 oras o higit pa.  Overnight mas mainam.
5.   Ibalot sa aluminum foil ang minarinade na manok (di kasama ang marinade mix) at isalang sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 30 minuto.
6.   After 30 minutes, buksan ang aluminum foil at hayaang maluto muli ang manok sa loob ng 15 minuto pa o hanggang sa pumula lang ang balat.   Huwag hayaang masunog ang balat.   Madali itong masunog komo may asukal ang ating marinade mix.
7.  Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng toasted sesame seeds sa ibabaw.
8.   For the sauce:   Isalang muli sa isang sauce pan ang natirang marinade mix at lagyan lang ng kaunting tinunaw na cornstarch para lumapot.

Ihain habang mainit pa kasama ang ginawang sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy