PAKSIW na CRISPY PATA

Di kapag nagpapakulo tayo ng karne na may buto nakikita natin na umiibabaw yung mga namuong dugo ng karne.   Inaalis natin ito para mas clear ang sabaw ng ating niluluto.   May nabasa ako dito sa net na para maiwasan ito, bago pakuluan ang karne ay isalang muna ito sa oven o turbo broiler.   Tama nga at wala naglutangan namuong dugo pero yun lang matrabaho ito at maaksaya sa kuryente.  Hehehehe.

Ganun ang ginawa ko sa Paksiw na pata na ito.   Pero hindi sandaling pag-turbo ang ginawa ko kundi ni-roast ko talaga ang pata na parang crispy pata na.   At yun saka ko siya ipinaksiw.   Masarap.   Mas kakaiba ang texture ang kabuuan ng dish.  Pero yun nga, baka yung phase 1 pa lang ay maubos na ang pata at wala na kayong ipaksiw.   hehehehe


PAKSIW na CRISPY PATA

Mga Sangkap:
1 While Pork Leg (sliced)
2 tbsp. Banana Blossom
1 cup Cane Vinegar
1 tsp. Whole pepper Corn
2 tbsp. Brown Sugar
1 large Onion (sliced)
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang pata ng baboy at timplahan ng  asin at dinikdik na paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Lutuin ang pata sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa pumula ang balat.
3.   Sa isang heavy bottom na kaserola isalin ang tinurbong pata at timplahan ng asin, paminta, suka, brown sugar, bawang, sibuyas, banana blossom at 3 tasang tubig.   Takpan at palambutin sa katamtamang lakas ng apoy.
4.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy