PLA-PLA in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE

Ito yung dish na niluto ko para sa birthday dinner ng aking Tatang Villamor.   Sabi kasi ng Kuya Nelson ko na nasa Japan, dapat daw magluto ako para sa ama namin.  Papaano na lang daw yung mga pino-post ko dito sa blog at sa FB.   Hehehehe

Wala naman talaga akong idea na may lulutuin ako.  Ang mga kapatid ko kasing sina Ate Mary Ann at Shirley ang nag-plano kung ano ang mga pagkaing ihahanda.   Tumulong lang ako sa pagluluto at sa iba pang mga gawain.

Dapat sana i-steam ang mga malalaking isdang ito at saka lalagyan ng mayonaise.   Nabago lang ang plano komo may kamahalan ang mayonaise.   Kaya naisipan na lang na i-prito ito at saka lagyan ng sauce.   Ako na ang nag-volunteer kung anong luto ang gagawin at siyang magluluto na din.   At eto na nga, pinirito ko ang mga isda at saka gumawa ako ng sauce na may black beans at oyster sauce.  Nilagyan ko na din ng chicharo para magkaroon ng kulay ang kabuuan ng dish.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ito ng mga bisita.


PLA-PLA in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
2 pcs. Pla-pla or large size Tilapia (about 1.5 kilos)
1/2 cup Oytser Sauce
3 tbsp. Black Bean Sauce 
1/4 cup Soy Sauce
1 cup Chicharo
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Brown Sugar
2 thumb size Ginger  (cut into strips)
1 large White Onion (cut into rings)
1 heads Minced Garlic
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang pla-pla ng asin at paminta.  Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at medyo crispy.  Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa isang sauce pan i-prito ang onion rings hanggang sa medyo maluto.   Ganun din ang gawin sa chicharo.   I-prito din ang bawang hanggang sa matusta.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.  Sunod na igisa ang luya sa parehong sauce pan.
5.   Sunod-sunod nang ilagay ang soy sauce, oyster sauce at black bean sauce.  Lagyan din ng kaunting tubig.   Hayaang kumulo.
6.   Ilagay na din ang brown sugar, tinunaw na cornstarch, asin at paminta.   Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Ibuhos ang ginawang sauce sa piniritong pla-pla.   Ilagay na din sa ibabaw ang piniritong onion rings, chicharo at toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy