PORK 1-2-3
May nabasa akong isang Chinese dish na napaka-dali lang gawin at tiyak kong kahit baguhan pa lang sa pagluluto ay magagawa ito.
Dun sa original na recipe rice wine ang ginamit na pang-asim. Pero dito sa version ko, oridnaryong suka lang ang inilagay ko pero masarap pa rin.
Actually, para din lang siyang adobo pero medyo matamis ng kaunti. Dadag mo pa yung extra flavor mula sa sesame oil para mas lalo pa itong naging masarap at katakam-takam. For sure, makakarami ng ng kanin kapag ito ang iyong ini-ulam. hehehehe
PORK 1-2-3
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1 cup Soy Sauce
1 cup Cane Vinegar
1 cup Brown Sugar
1 tsp. Freshly Crack Black pepper
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
Salt to taste
5 pcs. Hard boiled Eggs
2 tbsp. Cooking Oil
1 head Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 tsp. Sesame Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang karne ng baboy, suka, toyo, brown sugar at paminta. Takpan at hayaang kumulo. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan pa.
3. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas at hayaang maluto.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaaring lagyan pa ng asin kung kinakailangan.
5. Huling ilagay ang binalatang nilagang itlog at sesame oil.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments