PORK CURRY with EVAPORATED MILK
Ang mga pagkaing may curry powder ay pangkaraniwang nakikita natin sa hapag ng mga asyano kagaya ng India, Malaysia at mga kapitbahay nating bansa. Dito sa Pilipinas pangkaraniwang gamit din ito ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao. Ako natutunan ko nang kumain ng mg pagkaing may ganito nitong nag-work na ako dito sa Manila at nakasanayang kumain sa mga karendirya. At nagustuhan ko naman. Tamang-tama lang kasi yung anghang nito sa mga ulam.
Kahit ang mga anak ko ay nagustuhan din ang ganitong luto sa ulam. Pangkaraniwan ay manok ang ginagamit ko sa ganitong dish. Minsan nagawa ko na sa karne ng baka at ngayon nga ay sa pork o baboy naman. Also, sa halip na gata ng niyog ang aking inilahok, gatas na evap naman ang aking inilagay. Oo par sa akin mas masarap pa rin ang gata ng niyog pero humahabol din sa sarap kung evap ang gagamitin. Try nyo din po.
PORK CURRY with EVAPORATED MILK
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim o Pigue (cut into cubes)
1 tbsp. Curry Powder
1 small can Evaporated Milk (Alaska na red ang label)
2 pcs Potatoes (quartered)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
4 pcs. Siling Pang-Sigang
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion (sliced)
1 thumb size Ginger (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.
3. Lagyan ng tubig at takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper, siling pang-sigang at curry powder. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5. Huling ilagay ang evaporated milk
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments