TATANG VILL'S 72nd BIRTHDAY

Last February 2, ipinagdiwang namin ang ika-72 kaarawan ng aming Tatang Villamor.   Kahit papaano ay iniraraos namin ito kapiling ang mga kamag-anak at kaibigan ng aking Tatang.   At sa taong ito, isang munting salu-salo ang aming inihanda para sa kanya.

Maraming pagkaing niluto ang aking dalawang kapatid na sina Ate Mary Ann at Shirley.  Tumulong na din ako para maaga din kaming makapag-handa ng hapag.   Isang dish lang ang niluto ko.   Yung Pla-pla na may black bean sauce.   Abangan nyo na lang yung recipe nito dito sa blog .


Narito pala ang mga pagkaing aming inihanda:

Syempre mawawala ba ang pancit pag may birthday.   Pancit Palabok na specialty ng aking kapatid.

Mayroon ding kaunting halabos na hipon.

Pritong manok na ako ang nag-prito.   Hehehehe

Mayroon din nitong crispy crablets na ang sarap isawsaw sa suka na may sili.

Calderetang Baka

Pinoy Spaghetti syempre bukod sa pancit

Itong niluto kong Pla-pla in black bean sauce.

Mayroon ding kaunitng Alimango sa gata.

Ginisang Gulay na may sar-saring sahog.

Mayroon din palang Arroz Valenciana na hindi ko na nakuhanan ng picture.

Sa panghimagas, mayroong matamis na pakwan, leche plan, haleyang ube, fruit salad at itong maja mais con keso na niluto ng aking tiya Ineng.

Mawawala ba sa masayang  okasyong ito ang four sisters ng aking Tatang?   Syempre hindi.

Marami din ang naging bisita.   Dumating din ang kapatid ng aking Inang Lina na si Nanang Doring.

At ang mga apo ng mga birthday syempre ay hindi din mawawala.


Ang kanyang mga kaibigan na kaklase niya nung elementary days pa niya ay dumating din.

Marami bang bisita ay umalis na din kami dahil kailangan na naming bumalik ng Maynila.  May pasok pa kasi sa school ang mga bata.

Natutuwa kaming magkakapatid at nasiyahan naman ang aming Tatang sa kanyang kaarawan.   Dalangin namin na sana ay mabigyan pa siya ng Diyos ng mahabang buhay para matagal pa namin siyang makasama.

Amen.





Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy