TURBO BROILED TUNA BELLY
Remember my Sinigang na Tiyan ng Tuna? Yup. Ito yung isang piraso pa o yung kalhati ng fresh tuna belly na nabili at niluto ko nitong nakaraang wedding anniversary namin. 1 kilo of tuna belly = 2 delicious dish. hehehe.
Ang gusto kong i-share sa post kong ito ay yung kasimplehan ng dish na ito. Bale kase asin, paminta at olive oil lang ang inilagay ko sa tuna belly na ito bago ko siya niluto sa turbo broiler. Kapag kasi ganitong kasariwa ang isda, hindi dapat kung ano-ano ang ating inilalagay na pampalasa. Natatabunan kasi yung masarap ng lasa ng isda kung ganun. Kaya tama lang na ganitong luto ang gawin. Ang resulta? Nagustuhan ito ng aking asawa at ibinaon pa niya sa kanyang work ang natira. Hehehehe
TURBO BROILED TUNA BELLY
Mga Sangkap:
1 slab Tuna Belly (about 1/2 kilo)
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
2 tbsp. Olive Oil
Rock Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwaan ng pa-cross ang laman ng tuna belly.
2. Timplahan ito ng asin, paminta at olive oil. Make sure na malagyan ang may hiwang parte ng isda. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa maluto at medyo pumula ang balat.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang toyo, calamansi at sili.
Enjoy!!!!

Comments