BRAISED PORK BELLY in LEMON SODA

Braising ay isang paraan ng pagluluto kung saan pinipirito muna ng bahagya ang karne at saka lulutuin sa sauce hanggang sa lumambot ito.   Pangkaraniwan ay sa medyo may katigasang karne ito ginagawa kagaya ng karne ng baka.   Masarap ang ganitong klaseng luto.   Nanunuot kasi yung flavor ng karne dahil naluluto siya sa sarili niyang flavor.

At itong Braised Pork Belly in Lemon Soda na ito ang isa sa mga nagawa ko nang dish gamit ang ganitong paraan ng pagluluto.   Actually madali lang siyang gawin.   Kahit nga baguhan lang sa pagluluto ay tiyak kong magagawa ito.


BRAISED PORK BELLY in LEMON SODA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into 1/2 inch thick and 3 inches long)
1 can Lemon Soda (Sprite or 7Up)
1/2 cup Chopped Lemon Grass (white or lower portion only)
1 head minced Garlic
1 cup Soy Sauce
1 tsp. Freshly ground Black Pepper
2 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang karne ng baboy sa bawang, lemon grass, lemon soda, paminta, asin, brown sugar at toyo.   Mas mainam kung overnight.
2.   Sa isang non-stick na kawali o heavy bottom na kaserola, i-prito muna ng bahagya ang magkabilang side ng pork belly sa kaunting mantika.   Set aside.
3.   Sa pareho lutuin ibalik ang na-brown na mga karne at ilagay din ang sabaw na pinagbabaran ng karne.  lagyan din ng 1/2 cup na tubig.
4.   Lutuin ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa kakaunti na lang ang sauce nito.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
good day po...mukhang masarap talaga yung pinapakita nyong recipe..kahit di ko pa nagagawa yan, alam ko talagang masarap dahil sa itsura pa lang talagang nakakatakam na..sana po makapaglathala kayo ng recipe na pang okasyon naman like fiesta, yung madaling gawin kasi po, mahirap yung walng taga luto dahil sa amin minsan ang papel ko lang ay taga hiwa ng mga rekado..pero sana po yung kakaibang recipe naman..para atleast d naman lagi ang mga handa ay iyon at iyon pa rin..Maraming salamat po..nakakainspire po lahat ng mga lutuin nyo..more power and god bless..
Dennis said…
Thank Elizabeth. I think meron din akong mga recipes na pang-fiesta. You may check it at the archive under label party foods. But to be honest with you, hindi pa ako nakapag-try na magluto ng pang-fiesta talaga or yung pang-maramihan. Ang hirap kasi mag-tantya. Na-try ko minsan pero for 60 na katao lang. Sabagay..tantya tnatya lang naman lahat yan talaga. basta alam mo ang mga sangkap at p[araan ng pagluluto ay tatama ka din.

Thanks again


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy