CHICKEN ALOHA

Another dish na napakadali lang gawin o lutuin.   Actually, para din lang siyang Pininyahang  Manok kaso wala itong evaporated milk o gata.

Tinawag ko din itong Chicken Aloha komo yung pineapple ring ang ginamit ko dito at sinamahan ko pa ng diced na mansanas.  Masarap ito.  Lasa mo talaga yung fruity flavor ng pinya at mansanas.   Ayos na ayos din ito sa mga baguhan pa lang sa pagluluto dahil napakadali lang gawin.   Try it.


CHICKEN ALOHA

Mga Sangkap:
5 pcs. Chicken Legs (cut into thigh and drumsticks)
1 can Pineapple Rings (itabi yung syrup)
2 pcs. Apple (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion (sliced)
1 thumb size Ginger (grated)
1/2 cup Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste
1 head mince

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang bawat piraso ng manok ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-brown ang bawat piraso ng manok sa butter.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, i-prito din ng bahagya ang bawat piraso ng pineapple rings.
4.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at grated na luya.
5.   Sunod na ilagay agad ang na-brown na manok at ilagay na din ang pineapple syrup, toyo at brown sugar.   Takpan at hayaang kumonte na lang ang sauce.
6.  Kung malapit nang kumonte ang sauce ilagay na ang mansanas.   Hayaan lang ng mga 3 minuto.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw o sa ilalim ang piniritong pineapple rings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy