CHICKEN and CHINESE SAUSAGE STEW



Panahon pala ng kamatis ngayon.  Kaya naman ng madaanan ko ang nagtitinda nito sa may palengkeng nadadaanan ko, bumili ako ng 1 kilo.   Nakakatuwa kasi bukod sa mura ang kilo, sariwang-sariwa talaga ito at mukhang bagong pitas pa.  Nandun pa kasi yung tangkay ng kamatis.

At ito ngang sariwang kamatis na ito ang ginamit ko sa aking chicken stew sa halip na tomato sauce.   Tamang-tama naman dahil manamis-namis ang lasa nito at nag-blend talaga sa malasang flavor ng chinese sausage.   Dumagdag pa ang flavor ng dried basil at yung cheese, winner talaga ang lasa ang dish na ito.  Try nyo din po.


CHICKEN and CHINESE SAUSAGE STEW

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs
6 pcs. Tomatoes (chopped)
3 pcs. Chinese Sausage (sliced)
1/2 cup Cheese (grated)
1/2 tsp. Dried Basil
1 large Onion (chopped)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggi Magic Sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2.  Isunod na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.
3.   Ilagay na din ang dried basil at Chinese sausage.   Haluin ng bahagya at takpan.   Hayaang maluto ang manok.   Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
4.   Ilagay na ang grated cheese at maggie magic sarap.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy