CREAMY TINOLANG MANOK



Dahil na din sa food blog kong ito, natuto akong mga innovate o gumawa ng twist sa mga tradisyunal na nating pagkaing Filipino.  Pansin nyo ba na nitong mga nakaraang araw ang post ko ay mga lumang dish na nilagyan ko ng twist?

Yes.  At itong post ko for today ay isa pang tradisyunal na pagkaing Pinoy na nilagyan ng dagdag pa na sangkap para ito mapasarap pa.   Actually, nagaya ko din lang ito at naisipan kong subukan.  Sa una pa lang ay alam ko nang masarap ito.   Bakit naman hindi?   May hindi ba sumasarap kapag nilagyan mo ng cream?   Try nyo din po.


CREAMY TINOLANG MANOK

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 pcs. Sayote (sliced)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tali Dahon ng Sili
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Red Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
3 tbsp. Cooking Oil or Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2.   Isunod na gad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Ilagay na ang sayote at tubig na pang-sabaw.   Ang tubig dapat ay yung lubog lang ang manok at sayote.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.
4.  Huling ilagay ang all purpose cream at dahon ng sili.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy