GRAHAM MANGO and CREAM

Nag-request ang panganay kong anak na si Jake na gumawa daw ako ng mango graham na dessert.   Dahil kakatapos lang ng kaniyang final exal, minabuti kong pagbigyan ang kanyang hiling.   Pero sa halip na yung simpleng mango graham dessert ang aking ginawa, ginaya ko yung isang recipe na nabasa ko.   Peach Cream Pie ang tawag.   Pero sa halip nga na peach mango ang aking gagamitin. Halos pareho din lang ang mga sangkap, yung gelatin powder lang ang nadagdag.

Pero aaminin ko sa inyo, hindi pareho ang kinalabasan ng aking ginawa as compare dun sa picture na nasa recipe na ginaya ko.   Hindi nabuo yung cream niya at malabnaw pa din kahit na nalagay ko na sa freezer.   Hindi ko alam kung bakit nagkaganun.   For sure, sinunod ko naman ang mga sangkap at pamamaraan.

Ang iniisip ko ngayon, hindi kaya dapat niluto muna talaga yung gelatin powder at saka inihalo ang cream?   Ito ang ilalagay ko procedure ng recipe na ito para maka-siguro.   But to tell you honestly, hindi ko pa din ito nata-try.   Pero sa tingin ganun nga ang dapat gawin. 


GRAHAM MANGO and CREAM

Mga Sangkap:
3 pcs. Hinog na Mangga (Kunin lang yung laman)
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Unflavored Gelatin Powder
1 cup Water
1 cup White Sugar
1 pack Graham Cracker
1 cup Melted Butter

Paraan ng pagluluto:
1.   Durugin ang graham cracker hanggang sa madurog ito at medyo pino na.   Pwede ding ilagay sa blender para durugin.
2.  Isalin sa isang bowl ang dinurog na graham at ihalo ang melted butter.   Haluing mabuti.
3.  Isalin ito sa pie pan o kahit anong hulmahan at i-press ito gamit ang tinidor.  Ilagay muna sa freezer para mabuo.
4.   Sa isang sauce pan, i-init ang 1 cup na tubig.   Huwag hayaang kumulo.
5.  Ilagay ang tinunaw na gelatin powder at haluing mabuti.
6.  Isunod na din ang all purpose cream at white sugar.   Halu-haluin.
7.   Ilagay na din ang 4 na pisngi ng mangga na hiniwa nang maliliit.
8.   Isalin ito sa pie pan o hulmahan na nilagyan ng graham sa nais na kapal.
9.   Lagyan ng hiniwang mangga sa ibabaw.
10.  I-chill muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!





Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy