HAM and CHICKEN with CREAM



Kapag magluluto kayo ng chicken breast fillet, mainam na ang ilalahok nyo na iba pang sangkap ay yung medyo strong ang flavor.   Matabang kasi ang lasa ng chicken breast.  Kaya naman sa dish na ito, nilahukan ko ito ng smoked ham at red bell pepper.

Ang mainam sa dish na ito pwede nyo itong pang-ulam o kaya naman ay ihalo sa ano mang klase ng pasta.   Dagdagan lang siguro ng cream pa para sa sauce ay panalong-panalo ito panigurado ko sa inyong panlasa.   Sabagay, ano ba ang hindi magiging masarap kung may ham, cream, red bell pepper at samahan mo pa ng butter at cheese?   hehehehe.   Winner ito.


HAM and CHICKEN with CREAM

Mga Sangkap:
4 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (cut into cubes)
200 grams Smokey Ham (cut the same size as the chicken)
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Melted Butter
1 cup Chicken stock
1 pc. medium size Carrot (cut itno cubes)
1 pc. medium size Potato (cut into cubes)
1 pc. large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
1 tbsp. Cornstarch
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Isunod na agad ang chicken breast fillet, smokey ham at mga gulay.   Lagyan ng ga 1 cup ng chicken stock.
3.   Timplahan na din ng asin, paminta at dried basil.  Hayaang masangkutsa.
4.   Ilagay na ang all purpose cream.  Halu-haluin at hintaying kumulo ng bahagya.
5.  Huling ilagay ang maggie magic sarap at tinunaw na cornstarch.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy