HARDINERA ala DENNIS
Batay sa aking nabasa dito din sa net, ang Hardinera ay isang espesyal na pagkain o ulam sa probinsya ng Quezon na inihahanda sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta at iba pa.
Actually, madali lang itong lutuin. Para ka din lang nagluto ng menudo. Yun lang medyo may karamihan ang sangkap nito. Parang kapareho din ito ng Everlasting ng Marikina. Pero ang pagkakaiba lang ay giniling na baboy ang ginagamit naman ng taga-Marikina.
Ang ikinalulungkot ko lang sa bersyon kong ito ay yung hindi lumutang yung design ng gulay na nilagay ko sa bottom ng hulmahan. Hindi katulad nung nakikita natin sa original recipe na nakakatakam talaga yung itsura niya. But anyway, satisfied ako sa bersyon ko nito. Hindi man ganun ka-kumpleto ang mga sangkap na ginamit ko, masarap pa rin talaga ang kinalabasan.
HARDINERA ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (menudo cut)
1 pc. large Potato (cut into cubes)
1 pc. large Carrot (cut into cubes)
1 pc. large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 cup Green Peas
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 medium size can Pineapple Chunks
4 pcs. Jumbo Hotdogs or Vienna Sausages
6 pcs. Fresh Eggs
4 pcs. Hard Boiled Eggs
4 pcs. Pineapple Rings
1/2 cup Tomato Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
Margarine or Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting butter o margarine.
2. Isunod na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
3. Lagyan ng tubig o pork stock. Takpan at hayaang lumambot ang karne. Dapat konti-konti lang ang sabaw o tubig na ilalagay para hindi maging masabaw ang kalabasan.
4. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper, sweet pickle relish, green peas at tomato sauce. Haluin at hayaang maluto ang mga gulay. Dapat halos walang sabaw ang niluluto.
5. Huling ihalo ang hotdogs o vienna sausages at pineapple chunks
6. Hanguin sa apoy at palamigin.
7. Samantala, lagyan ng margarine o butter ang bottom ng llanera o hulmahan na gagamitin.
8. Lagyan ang bottom ng llanera ng sliced pineapple rings, hiniwang nilagang itlog at mga hiniwang carrots at red bell pepper. Bahala na kayong gumawa ng design.
9. Ihalo sa pinalamig na nilutong karne ang binating itlog at isalin sa mga llanera.
10. Balutin ng plastic o foil ang bawat llanera para di pasukin ng tubig o steam.
11. I-steam ito sa kumukulong tubig hanggang sa mabuo o maluto ang itlog.
12. Palamigin muna sandali bago alisin sa llanera at ihain.
Ihain na may kasamang catsup.
Enjoy!!!!

Comments