LIEMPO INASAL


Ang salitang inasal ay bisayan word na ang ibig sabihin ay inihaw (I hope tama ang nabasa ko :)).  Pwede itong manok, baboy, baka at iba pa.  

Last March 14, may na-received akong message mula sa isang regular na tagasubaybay ng food blog kong ito.   Ang pangalan niya ang Edwin Shan.   Nagtatanong siya kung pwede daw wala nang lemon soda ang recipe ng inihaw na gagawin niya.   Tinatanong din niya kung may recipe ako na pang-commercial selling dahil nagpa-plano siyang mag-bukas ng ihawan na restaurant.

Straight to the point ang aking naging sagot sa kanya.   Mainam kako na huwag tipirin ang recipe ng inihaw na ibebenta niya.   Mas mainam na kumpleto ito para masarap at balik-balikan ng mga customer.   Basta kako i-compute niya muna ang cost niya para ma-presyuhan niya ng maganda ang kaniyang ititinda.   Ang mga pinoy naman basta masarap ang kanilang nakakakain ay okay naman sa kanila ang magbayad ng medyo mataas.   Ofcourse sa umpisa dapat kaunti lang muna ang patong mo para maka-build ka muna ng customers.

Kaya eto ang isa pang recipe ng inihaw o inasal na liempo.


LIEMPO INASAL

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (about 1/2 inch ang kapal)
1 can Sprite or 7-Up Soda
8 pcs. Calamansi
1 cup Soy Sauce
4 pcs. Lemon Grass o Tanglad (chopped...white portion only)
1 tsp. Pamintang durog
1 head Minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
Star Margarine
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork belly sa lahat ng pinaghalong sangkap.   Overnight mas mainam.
2.   I-pan-grill ito o ihawin sa live na baga.
3.   I-brush ng star margarine kung malapit nang hanguin sa baga.

Ihain na may kasamang sawsawang calamansi, toyo, suka at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy