MINATAMIS na KAMOTENG KAHOY sa GATA
One of my favorite merienda nung bata pa ako ang recipe natin for today. Ang Mnatamis na Kamoteng kahoy. Kaya di ko maiwasang hindi bumili ng kamoteng kahoy o casava nung minsang makakita ako nito sa palengke nitong nakaraang araw. Okay din naman para may pang-dessert na din kami.
Para maiba naman ng kaunti, nilagyan ko ito ng gata ng niyog at toasted coconut. Hindi ko rin masyadong tinamisan para lumutang talaga yung lasa ng kamoteng kahoy at para di rin mapasama ang aking diabetis. Hehehehe.
Masarap siya. Siguro mas lalo pa itong sasarap kung lalagyan natin ng ginadgad na yelo at gatas. Tamang-tama sa panahon ngayon na napaka-init. hehehehe
MINATAMIS na KAMOTENG KAHOY sa GATA
Mga Sangkap:
1 kilo Kamoteng Kahoy (cut into cubes)
2 cup Kakang Gata
Toasted Coconut
Sugar to Taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang kamoteng kahoy sa tamang dami lamang ng tubig hanggang sa maluto.
2. Kung malapit nang maluto ilagay naman ang asukal. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto pa.
3. Huling ilagay ang kakang gata. Hintayin ang isang kulo at saka patayin ang kalan.
Ihain na may budbod na toasted coconut sa ibabaw.
Enjoy!!!

Comments