MIYERKULES de ABO - Simula ng Kwaresma
Today is Ash Wednesday o Miyerkules de Abo. Sa mga Katolikong Kristyano kagaya ko, ito ang opisyal na simula ng Kuwaresma o ang apatnapung araw na paghahanda sa pagkabuhay ng ating Panginoong si Hesus.
Sa araw na ito, pumupunta tayo sa mga simbahan para magpalagay ng abo sa ating noo bilang paalala sa atin na sa abo tayo nagmula at sa abo din tayo babalik.
Sa mga panahong ito ng kwaresma lalo na pag Miyerkulas de Abo at Biyernes Santo, hinihikayat tayo ng simbahan na mag-ayuno at huwag kumain ng karne bilang sakripsiyo.
Komo ito ay isang food blog, minarapat kong magbahagi ng mga putahe na pwede nating ihanda o lutuin para sa ating mga pamilya:
Pwede itong Sinigang na Ulo ng Salmon sa Miso.
O itong Cream Dory fillet with Creamy Garlic and herb Sauce.
Masarap din ito Shrimp Chopsuey sa mga mahilig sa gulay.
O itong Inihaw na Bangus na may palamang sibuyas, kamatis at red bell pepper.
Kung medyo may budget naman pwede din itong Sinigang na Hipon para may sabaw naman.
Para sa iba pang mga putahe, paki-bisita na lang po ang ating archive at i-click ang FISH o SEAFOODS na label.
Dalangin ko na maging makabuluhan nawa para sa ating lahat ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.
Amen

Comments