PORK ADOBO in RED WINE
Last February 7 naka-received ako ng email mula sa researcher/staff ng Rated K ni Korina Sanchez. Naghahanap daw sila ng kakaibang luto ng Adobo at itong Pork Adobo ko na may Red Wine ang nakatawag ng pansin nila. Hinihingi nila ang contact number ko para matawagan daw ako. Ang problema, sa sobrang busy ko sa aking work, February 13 ko na nabasa ang email na yun at naipalabas na rin yung segment nila tungkol sa adobo. Hehehehehe. Nai-post ko nga ito sa aking FB account at sila man ay nanghinayang din. hehehehe.
Ok lang naman sa akin. Katwiran ko kasi..."Kung hindi ukol..hindi bubukol". hehehehe. May next time pa naman. hehehehe. After nito, para tuloy akong nag-crave sa pork adobo na may wine. hehehehe. At itong post kong ito ang kinalabasan. Medyo may ibang pamamaraan ako sa pagluluto na ginawa para maiba naman din. Pero wag ka winner pa din ang pork adobo ko na ito. Try nyo din po.
PORK ADOBO in RED WINE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes. Mas mainam yung may taba na konti)
1 cup Red Wine (yung medyo manamis-namis)
3 tbsp. Cane Vinegar
1/2 cup Soy sauce
2 pcs. Potatoes (quartered)
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1 tbsp. Brown Sugar.
1 tsp. Freshly crack Black Pepper
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kaserola o kawali, i-brown ang karne ng baboy sa mantika.
3. Sunod na igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang red wine, suka, toyo at brown sugar. Takpan at hayaang maluto ang karne.
5. Kung malapit nang maluto ang karne, ilagay na ang patatas. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring dagdagan pa ng dinurog a paminta.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments