PRITONG LUMPIANG SINGKAMAS na may SISIG

Uso na naman ang singkamas ngayon.  Papalapit na din kasi ang tag-araw at ito ang isa sa masarap kainin.   Kaya naman nang makakita ako nito sa palengke ay bumili ako ng isang tali sa halagang P35.   Ang mura di ba?

Unang plano ko para sa singkamas na ito ay gumawa ng sariwang lumpiang singkamas pero nabago ito dahil naisip ko yung request ng pangalawang kong anak na si James na gusto daw niya nung lumpiang prito.   So sa halip na lumpiang sariwa ay ipinirito ko na lang ito.

Also, sa halip na hipon ang sahog na aking inilagay, ready to eat na sisig ang aking inilahok.   Nagbigay ito ng masarap na lasa sa lumpia.   Nakakatuwa nga dahil nagustuhan talaga ito ng aking mga anak.


PRITONG LUMPIANG SINGKAMAS na may SISIG

Mga Sangkap:
2 pcs. large Singkamas (cut into strips)
1 pc. large Carrot (cut into strips)
2 cups Ready to eat Pork Sisig
20 pcs. Lumpia Wrapper
5 cloves Minced Garlic
1 medium size Onion (chopped)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Cooking Oil for frying
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2.   Isunod na agad ilagay ang pork sisig, hiniwang singkamas at carrots.
3.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap at haluin mahuti.   Huwag i-overcooked ang gulay.   Hanguin agad at palamigin.
4.   Balutin ang ginisang singkamas sa lumpia wrapper sa nais na laki.  
5.  Lagyan ng tinunaw na cornstrch ang gilid ng lumpia wrapper para maisara at hindi lumabas ang palaman.
6.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain na may kasamang sawsawan na suka na may bawang, sibuyas, sili at asin.

Enjoy!!!!

Comments

Pandong said…
Ayos na naman tong recipe na to Sir Dennis, :) salamat sa maganda idea.
Dennis said…
Thanks Dhong..... :) Dennis
Dennis said…
Hi Oscar,

Di ba kasama na nung iginisa ang singkamas? Please check #2.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy