TINAPANG BANGUS SPRING ROLL
Sa mga Katolikong Kristyanong katulad ko nakaugalian na natin na hindi kumain ng karne tuwing Biyernes sa panahon ng kuwaresma. Ito'y bilang isang maliit na sakripisyo na din sa mga panahong ito ng pagninilay.
At para sa Biyernes na ito, gusto kong i-share sa inyo itong pritong lumpia na may palamang tinapang bangus. Actually, na-kopya ko din lang ang recipe na ito dito sa net at nilagyan ko na lang ng added twist para mas lalo pa itong mapasarap.
TINAPANG BANGUS SPRING ROLL
Mga Sangkap:
3 pcs. Medium size Tinapang Bangus
1 cup Grated Cheese
1 cup Mung Beans (toge na bago pa lang sumisibol)
1 pc. Large White Onion (finely chopped)
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (chopped)
1 pc. Egg (beaten)
1/2 cup Flour
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
40 pcs. Lumpia Wrapper (small size)
1 tbsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Himayin ang laman ng tinapang bangus.
2. Sa isang kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
3. Isunod na agad ang hinimay na tinapang bangus at timplahan ng kaunting asin at paminta. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
4. Ihalo sa ginisang tinapa ang ginadgad na cheese, binating itlog at harina. Haluing mabuti.
5. Ibalot ang ginawang palaman sa lumpia wrapper sa nais laki at lagyan ng tinunaw na cornstarch ang kabilang dulo ng lumpia wrapper para maisara at hindi lumabas ang palaman.
6. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet chili sauce.
Enjoy!!!!
Note: Pwede nyo ding lagyan ng iba pang sangkap ang palaman kagaya ng singkamas, carrots at iba pang gulay na nais. TY

Comments