ATE AZON & KUYA DANNY'S 60TH BIRTHDAY CELEBRATION
Yesterday April 6, dumalo kami ng aking pamilya sa isang salu-salo sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ng mag-asawang Azon at Danny. Si Ate Azon ay kapatid ng asawa kong si Jolly. Sa kanilang bahay sa San Jose, Batangas ginawa ang salo-salo at talaga namang naumay ako sa dami ng handang masasarap na pagkain.
Wala akong niluto sa mga pagkain inihanda. Tumulong na lang ako sa pag-aayos ng mga pagkain at sa paghihiwa ng pakwan, singkamas at mangga. Hehehehe.
Tradisyunal na pagkaing pang-handaan ang mga putahe. Ang mga tagaroon na bihasa sa mga ganitong luto ang siyang nagluto ng lahat na mga handa.
Una na rito ang Pork Asado o hamonado ba? Ibinabad kasi yung tipak ng karne sa pineapple juice at manamis-namis ang lasa nito.
Meron ding Pochero
Pork Adobo nila na masarap talaga ang pagkaluto.
Meron ding Relyenong Bangus
Pork Afritada
Lumpiang Hubad
Pork Embotido nila na ibinalot sa dahong ng saging. Ini-steam muna nila ito at saka ipinirito sa mantika.
Eto yung hiniwa kong singkamas at manga na may kasama ding bagoong alamang.
Ang daming nakisaya sa salo-salong ito. As early as 10 ng umaga ay may mga dumating nang mga bisita. Dumating din pala mula pa sa Abu Dhabi ang kapatid ng may birthday na si Lita (nasa kaliwa).
Kumpleto din ang mga anak ng may birthday. Masaya ang mga may kaarawan dahil dumating din ang anak nilang seaman na si Jet.
Dalangin ko na magkaroon pa ng maraming kaarawan sina Ate Azon at Kuya Danny.
Amen

Comments