FRIED TANIGUE with OYSTER SAUCE
Sa mga espesyal na handaan importante syempre ang lasa ng mga pagkaing ating inihahanda. Syempre naman para hindi tayo mapahiya sa mga inimbitihan nating mga bisita. Sa mga handaan din lalo na kung marami ang handa at pagpipilian na pagkain, importante din na dapat ay katakam-takam ang itsura ng mga pagkain. Bakit naman? Kasi nga ang mga mata natin ang unang kumakain. Kung baga, kung alin yung masarap tingnan yun ang kinukuha natin una.
Yun ang ini-apply ko dito sa fried tanigue na handa ng bayaw kong si Kuya Alex sa idinaos nilang salo-salo last Sunday. (Yung post ko yesterday). Ni request niya na gawan ko ng sauce ito. At sa halip na basta oyster sauce o kung ano pa mang sauce ang aking inilagay, nilagyan ko din ng kaunting color sa pamamagitan ng paglagay ng carrots at Baguio beans. O di ba nag-mukhang mas masarap ang dish na ito. Kaya naman ang dish na ito ang isa sa naunang maubos sa mga putahaeng nasa hapag.
FRIED TANIGUE with OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Tanigue (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1/3 cup Soy Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. large White Onion (sliced)
1 head minced Garlic
100 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long)
3 cups Fish Stock o 2 pcs. Fish Cubes
1 large Carrot (cut into strips)
1 tsp. Sesame Oil
3 tbsp. Butter or Cooking Oil
2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng tanigue. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang magkabilang side ng isda. Hanguin sa isabng lalagyan.
3. For the sauce: Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika o butter.
4. Isunod agad ang mga gulay, soy sauce at oyster sauce. Halu-haluin.
5. Ilagay na din ang fish stock at timplahan ng asin, paminta at brown sugar. Hintaying kumulo.
6. Ilagay na ang tinunaw na cornstarch ta halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang sesame oil
9. Ibuhos ang sauce sa piniritong tanigue.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments