MY 2014 HOLY WEEK VACATION
Gusto ko pong ibahagi sa inyo ang nakaraang bakasyon namin ng aking pamilya at ang ginawa naming pag-gunita sa mga Mahal na Araw sa bayan ng aking asawa sa San Jose Batangas.
Taun-taon naman ay dito kami nag-i-spend ng aming holy week. Bukod sa napapahinga kami ng mabuti ay mayroon din kasing taunang reunion ang pamilya ng aking asawa. Every year din naman ay naibabahagi ko ito sa inyo.
April 16 o Miyerkules Santo pa lang ay nasa Batangas na kami. Bale nauna na dun ang dalawa kong anak na sina James At Anton at kami na lang ang sumunod.
Wala namang masyadong nangyari sa mga araw ng Miyerkules at Huwebes. Kain at tulog din lang ang aking ginawa.
April 18 Biyernes, dito nagsimula ang mga aksyon sa aming bakasyon. Hehehehe. Una, naisipan namin ng pamangkin ng asawa kong si Joel na mag-set ng pananghalian sa labas ng kanilang bahay na tabi din lang ng bahay ng aking biyenan. Bale boodle fight ang style ng aming pananghalian. Nagluto ako ng pritong isda at ginisang munggo na may tuyong isda at si Joel naman ay nagluto ng sinigang na ulo ng tuna at pritong tilapia. No meat kami ng tanghaliang yun komo nga Biyernes Santo.
Mayroon ding singkamas at bagoong sa side at saging na panghimagas.
Ang sarap ng naging kain namin. Kahit ang biyenan kong 90 years old ay naparami din ng kain. Papaano naman kasi na di mapaparami ang kain mo, bukod sa minsan lang namin itong gawin, ay preskong-presko ang paligid na aming kinakainan. Wow! Hindi fasting ang nangyari sa amin....fast eating. hehehehe.
Nagluto din pala ako ng Pinindot para pang-meryenda namin. Abangan na lang po ninyo ang separate post ko para dito. Nilagyan ko pa kasi ito ng twist kaya ka-abang-abang.
3pm ay pumunta na kami sa simbahan ng San Jose para sa misa at ang prusisyon ng libing. Hindi ko mapigilan na kumuha ng picture partikular sa kisame ng simbahan dahil sa ganda nito. Matanda na ang simbahang ito at talagang naalagaan nila ang mga paintings at magagandang disenyo ng simbahan.
Habang nagpapatuloy ang misa sa loon ng simbahan, nag-aayos naman ang namamahala ng prusisyon sa mga karo ng santo na ipaparada. Nakakamangha ang dami nito at ng mga taong gustong makasama sa prusisyon.
Nang matapos ang misa ng bandang ika-lima ng hapon, nagsimula ang prusiyon ng libing. Sumunod kami s karo ng pinsan ng asawa kong si Kuya Julius.
Ika-pito o ika-walo na ata ng gabi nang matapos ang prusisyon. Inihilera ang mga karo muli sa harap ng simbahan at saka ito binasbasan ng pari.
Naging tradisyon na din ng mga taga-rito ang pagkuha sa mga bulaklak at dahon na nakalagay sa bawat karo ng mga santo matapos itong mabasbasan.
After noon tumuloy kami sa bahay nang mayari ng poon na aming sinundan para sa isang hapunan.
April 19 Sabado de Gloria, ito ang araw na ginagawa ang taunang reunion ng pamilya ng aking asawa. Sa isang batis o sapa o ilog na pag-aari ng pamilya ito palaging ginagawa. Taun-taun ay naghahalal sila ng pamumuno para sa susunod na reunion.
Maraming pagkain ang pinagsaluhan. May lechong baboy at syempre pa ang mga putahe na palagi nilang inihahanda sa mga okasyon kagaya nito.
At syempre, sa mga kasayahan, maari bang mawala ang inuman ng mga kalalakihan. Sagana ang mga alak at pulutan at kahit ako nga ay napasabay sa pag-inom. Hehehehe.
April 20 Easter Sunday, maaga kaming gumising para mag-simba at para diretso pauwi at pabalik na rin ng Manila. Although, gusto pa namin mag-stay pero baka kako kami mahirapan sa pag-uwi dahil mapapasabay kami sa buhos ng tao na nag-bakasyon at pabalik ng Manila.
Lunch time ay nasa bahay na kami at masayang sinariwa ang aming naging bakasyon. Simple pero masaya at makabuluhan. Kahit ganito din taon-taon ang aming ginagawa, may bago at masasayang bagay pa din na nangyayari.
Hanggang sa muli.
MALIGAYANG PASKO ng PAGKABUHAY sa LAHAT!!!!!

Comments