NILAGANG BUTO-BUTO na may MAIS at PATOLA

Nitong Easter Sunday na papauwi na kami ng Manila, dumaan muna kami ng palengke ng San Jose sa Batangas para bumili ng mga ilang bagay.   Bumili ako ng buto-buto ng baboy at ilang gulay.   Bumili din ako ng noodles na ginagamit sa lomi at kapeng barako na paborito naming inumin sa umaga.

Masarap ang karne ng baboy na nabibili dito sa palengke ng San Jose.   Sariwa kasi ito at talaga namang bagong katay lang.   Hindi katulad ng mga nabibili natin sa palengke o supermarket dito sa Manila sa frozen na.   Kaya naman naisipan kong ilaga na lang ang mga buto-butong ito at sinamahan ko ng patola at mais para hindi matabunan ang fresh na lasa ng buto-buto.

At yun nga, napakasarap higupin ng sabaw ng nilagang ito kahit na napaka-init ng panahon.   Yummy!!!!


NILAGANG BUTO-BUTO na may MAIS at PATOLA

Mga Sangkap:
1.5 kilos Buto-buto ng Baboy (rib parts cut into pieces)
1 pc. Patola (hiwain sa nais na laki)
1 pc. Sweet corn (cut into 1 inch long)
Pechay Tagalog
Repolyo (hiwain sa nais na laki)
1 pc. large Onion (sliced)
1 tsp. Maggie Magic sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang buto-buto ng baboy sa tubig na may asin.   Alisin ang mga namuong digo sa ibabaw ng sabaw.
2.   Kung malapit nang lumambot ang laman ng buto-buto, ilagay na ang sibuyas at mais.   Hayaan pang kumulo ng mga 5 minuto o higit pa hanggang sa maluto ang mais.
3.   Sunod na ilagay ang patola.   hayaang maluto.
4.   Huling ilagay ang pechay at repolyo at timplahan ng magic sarap.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy