PINAKA-SIMPLENG POCHERONG BABOY

Ito naman ang dish na niluto Huwebes Santo nitong nakaraang bakasyon namin ng Mahal na Araw.   Pocherong Pork Belly.   Ito ang niluto ko komo pwede pa naman ang karne ng Huwebes Santo.   At isa pa, masarap ito at may sabaw at gulay na kasama pa.

Kung tutuusin para din lang ito nilagang baboy.   Yun lang nilagyan ito ng tomato sauce at kaunting asukal para tumamis ng kaunti ang sabaw.   Also, dahil sa saging na saba at kamote na inilagay din, nagkaroon ng manamis-namis na flavor ang sabaw nito.



PINAKA-SIMPLENG POCHERONG BABOY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into cubes)
1 tetra pack Tomato Sauce
1 pc. large Sweet Potato o kamote (cut into cubes)
6 pcs. Saging na Saba (cut into half)
Pechay Tagalog
Repolyo
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, ilaga ang baboy sa tubig na may asin at ginayat na sibuyas.
2.   Sa kalagitnaan ng paglalaga, ilagay ang tomato sauce.   Hayaan muling maluto hanggang sa lumambotna ang karne.
3.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang kamote at saging na saba.   Hayaang maluto ng mga 5 minuto.
4.   Ilagay na ang brown sugar, paminta, repolyo at pechay tagalog.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.   Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang tamis, alat at asim ng tomato sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy