PINATISANG PRITONG MANOK

Tuwing umuuwi kami sa bahay ng aking biyenan sa San Jose Batangas, dumadaan muna kami ng palengke ng San Jose para mamili ng mga pagkaing kakailanganin namin sa mga araw na mag-stay kami doon.   Mahirap kapag may nakalimutan kang pag-sangkap sa ulam dahil may kalayuan din ang bahay ng aking biyenan sa kabayanan.

Kagaya nitong nangyari sa manok na ito na aking niluto nitong nakaraang Miyerkules Santo.   Nakalimutan kong bumili ng breadings na gagamitin ko sa pagpi-prito.   Ang ginawa ko na lang ay naghanap ako ng available at pwedeng pampalasa sa kusina ng aking biyenan.   At yun nga, minarinade ko na lang ang manok sa patis at sa pamintang dinurog mula sa kanilang taniman ng paminta.

Ang resulta?   Isang masarap ng pritong manok na nalalasahan mo talaga ang tunay na lasa ng manok.   Masarap talaga lalo na kung isasawsaw mo sa banana catsup.   Yummy!!!!


PINATISANG PRITONG MANOK

Mga Sangkap:
5 pcs. Chicken Legs (cut into 2 pcs)
1/2 cup Purong Patis
1/2 tsp. Pamintang Durog
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwaan ang bawat piraso ng manok ng sagad hanggang buto.
2.   I-marinade ito sa patis, paminta at maggie magic sarap.   Hayaan ng 1 oras.   Overnight mas mainam.
3.   Pahiran ng paper towel ang bawat piraso ng manok bago i-prito sa kumukulong mantika.
4.   Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

Ihain habang mainit pa na may kasamang banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Masarap na at hindi pa magastos! May ginawa rin akong katulad niyan although may halong kalamansi. Anyway, marami akong nakukuhang mga recipe mo na hindi cozy. thanks bro

Eric
Dennis said…
Thanks Eric....Nasubukan ko na rin yung may calamansi masarap talaga. pero i-try mo din itong patis lang at magic sarap....lasang-lasa mo talaga yung lasa ng manok. Yummy!!!!
Lian@9_16 said…
Hi po. Thanks po ang sarap talaga ng resipe niyo. Good job
Dennis said…
Thanks din Lian....Please continue supporting my blog. May mirror site din pala ako...sa www.mgalutonidennis.com
vilma said…
hndi po kaya sobrang alat pag minarinade ng mgdamag?
Unknown said…
Hindi po sya maalat sir? Pwede sa toodler na 1yr old? Kasi po patis.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy