TUNA FILLET with GARLIC & RED BELL PEPPER WHITE SAUCE

Last Friday ko niluto ang tuna fillet na ito.   Kagaya ng iba pang mga Katolikong Kristyano, kapag panahon ng kwaresma, pinipilit naming hindi kumain ng karne kapag Biyernes.   Tamang-tama naman at may nabili akong fresh tuna fillet.

Matagal-tagal na ding hindi ako nakakapagluto ng dish na ito.   Isa ito sa mga paborito ng asawa kong si Jolly sa lahat ng mga naluto ko na.

Ang pinaka-key o nagdala sa kabuuan ng dish na ito ay ang freshness ng tuna at ang flavor o lasa ng sauce na inilagay.   Dapat sana, plain white sauce lang.   Pero naisipan kong lagyan ng red bell pepper for added flavor at para na rin magkabuhay ang itsura nito.

Masarap talaga.   Malasang-malasa talaga ang sauce.


TUNA FILLET with GARLIC & RED BELL PEPPER WHITE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Tuna Fillet (hiwain sa nais na laki at kapal)
1 cup Flour
1 pc. Egg
1/2 Cold Water
Salt and pepper to taste
Cooking Oil dfor frying
For the Sauce:
1 small can Alaska Evap (red label)
1 head minced Garlic
1 large size Red Bell Pepper (cut into small cubes)
1/2 cup Melted Butter
1/2 tsp Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng tuna fillet.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang itlog, harina, malamiog na tubig, asin at paminta.    Haluin mabuti para maka-gawa ng batter.
3.  Ilubog ang bawat piraso ng tuna fillet sa ginawang batter at saka i-prito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   For the sauce:    Sa isang sauce pan, i-brown ang bawang sa butter.
5.  Isunod ilagay ang hiniwang red bell pepper.
6.   Itabi sa gilid ng sauce pan ang bawang at red bell pepper at ilagay naman ang harina.  Halu-haluin para sumama ang harina sa butter.
7.   Patuloy na haluin habang inilalagay naman ang evaporated milk.
8.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Tikman ang i-adjust ang lasa.   Maaring lagyan pa ng tubig o chicken stock hanggang sa makuha ang tamang lapot ng sauce.

Ihain ang nilutong tuna fillet na may sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy