CHEESY MAJA MAIS
First time kong gumawa nitong Maja Mais. Sa aking Tiya Ineng ko ito nakitang ginagawa kaya sabi ko gagawa din ako nito para sa blog kong ito. Also, lagi kasing naghahanap ng dessert ang aking mga anak kaya naisipan kong gumawa nito.
Yung ibang maja mais toasted coconut ang nilalagay sa ibabaw. Yung iba naman ay latik. Pero itong version na ito nga na nagaya ko sa aking Tiya ay grated cheese ang aking inilagay. Masarap ito kasi naghahalo yung tamis at yung alat at pagka-creamy ng cheese.
Try nyo din po. Madali lang gawin.
CHEESY MAJA MAIS
Mga Sangkap:
2 cups Cornstarch
1 can (370ml) Alaska Evap Full Cream
1 can (370ml) Coconut Cream
1 can (370ml) Whole Kernel Corn
2 cups Grated Cheese
Sugar to taste
Star Margarine
Paraan ng pagluluto:
1. I-ready muna ang mga hulmahan o llanera na may star margarine. (5 microwaveable dish)
2. Sa isang kaserola pakuluan ang Alaska evap, coconut cream at whole kernel corn kasama yung sabaw.
3. Lagyan na din ng nais na dami ng asukal. Hintaying kumulo.
4. Tunawin ang cornstarch sa 4 na tasang tubig.
5. Ilagay ito sa kapag kumulo na ang gatas na may gata. halu-haluin.
6. Patuloy na haluin hanggang sa lumapot.
7. Isalin sa mga hulmahan o llanera na inihanda.
8. Lagyan ng ginadgad na keso habang medyo mainit pa.
9. Palamigin hanggang sa mabuo.
Maaring ihain ng medyo mainit o malamig ang dessert na ito.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis
Thanks
Dennis
God bless po..
more praktis p po ako at pede ko na sya maging menu sa plan business, bagay sa kapihan na gusto ko.. Salamat po ulet..
Dennis
Nakita ko napo yung new version ng maja mais.. susubukan ko dinp po yun.
Itatanong ko lng po kung paano magagawang marami agad ang magagawa kong maja mais sa isang preparation na? Paano po ang tamang pagdagdag ng mga ingredients?
Thank you po & GOD bless!