CHEESY MAJA MAIS

First time kong gumawa nitong Maja Mais.   Sa aking Tiya Ineng ko ito nakitang ginagawa kaya sabi ko gagawa din ako nito para sa blog kong ito.  Also, lagi kasing naghahanap ng dessert ang aking mga anak kaya naisipan kong gumawa nito.

Yung ibang maja mais toasted coconut ang nilalagay sa ibabaw.   Yung iba naman ay latik.  Pero itong version na ito nga na nagaya ko sa aking Tiya ay grated cheese ang aking inilagay.   Masarap ito kasi naghahalo yung tamis at yung alat at pagka-creamy ng cheese.

Try nyo din po.   Madali lang gawin.



CHEESY MAJA MAIS

Mga Sangkap:
2 cups Cornstarch
1 can (370ml) Alaska Evap Full Cream
1 can (370ml) Coconut Cream
1 can (370ml) Whole Kernel Corn
2 cups Grated Cheese
Sugar to taste
Star Margarine

Paraan ng pagluluto:
1.   I-ready muna ang mga hulmahan o llanera na may star margarine. (5 microwaveable dish)
2.   Sa isang kaserola pakuluan ang Alaska evap, coconut cream at whole kernel corn kasama yung sabaw.
3.   Lagyan na din ng nais na dami ng asukal.   Hintaying kumulo.
4.   Tunawin ang cornstarch sa 4 na tasang tubig.
5.   Ilagay ito sa kapag kumulo na ang gatas na may gata.   halu-haluin.
6.   Patuloy na haluin hanggang sa lumapot.
7.   Isalin sa mga hulmahan o llanera na inihanda.
8.   Lagyan ng ginadgad na keso habang medyo mainit pa.
9.   Palamigin hanggang sa mabuo.

Maaring ihain ng medyo mainit o malamig ang dessert na ito.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
Hello Chef, ask ko lang po, yung suggested na measurement ng sangkap, mga ilang person po ang makakakain? :)
Dennis said…
Hi April.....Yung recipe sa taas ay makakagawa ng mga 4 hanggang 5 microwaveable na lalagyan depende syempre sa kapal ng ilalagay mo. At syempre depende kung mahilig sa ganito ang kakain. At kung masarap talaga kahit 4 lang kayo ay mauubos nyo ito. hehehehe. Salamat sa pagbisita.

Dennis
Unknown said…
Hi Chef! nagawa ko na po yung maja mais, pero hindi po sya tumigas, saan po kaya ako nagkamali?pero masarap naman po sya, yun nga lang po, hindi sya yung karaniwang maja kasi malambot po ang kinalabasan..hehe..nasarapan naman po ang mga kumain..:) Thank you po! :D
Dennis said…
Hi April...I think kulang yung cornstarch na nailagay mo....or yung 4 na tasang tubig..dapat yung cup na ginamit mo sa cornstarch yun din ang pang-sukat mo a tubig. Also, pinalamig mo ba sa frisge yung finished product bago kinain?

Thanks

Dennis

Unknown said…
Hi po.. just want to thank lang po sa page nyo.. i will try this. looks plng po muka tlga masarap na.. nagutom ako bigla ng makita ko.. :) nakuha po kasi ako ng idea sa gagawin ko food biznes. Salamat s pg share...
God bless po..
Dennis said…
Hi Jasmin....Just make sure that the cup you will be using is the same for cornstarch and water. Otherwise baka malambot ang kalabasan. Thanks - Dennis
Unknown said…
Hi sir! good evening po! nagawa ko npo yung recipe ng cheesy maja mais.. OK po ang result.. sinunod ko din yung reminder nyo.. salamat po..
more praktis p po ako at pede ko na sya maging menu sa plan business, bagay sa kapihan na gusto ko.. Salamat po ulet..
Dennis said…
Thanks Jasmin.....May bago akong version nitong maja maiz. Ginawa ko nung birthday ko. Yung dish na yun ang pinagusapan hanggang ngayon d2 sa office at naghihingian sila ng recipe. abangan mo at i-try din.

Dennis
Unknown said…
Good evening po sir!

Nakita ko napo yung new version ng maja mais.. susubukan ko dinp po yun.

Itatanong ko lng po kung paano magagawang marami agad ang magagawa kong maja mais sa isang preparation na? Paano po ang tamang pagdagdag ng mga ingredients?

Thank you po & GOD bless!
Dennis said…
Hi jasmin....I will not suggest na lutuin ito ng maramihan.....it will affect the finished product. Pero pwede mong i-try na i-double yung ingredients to try.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy