CHICKEN LOMI GUISADO
Bukod sa glutinous rice flour na nabili ko sa San Jose Batangas nitong huling uwi namin, bumili din ako ng noodles na ginagamit nila sa kanilang masarap na Lomi. Masarap kasi ito at wala nung parang mapait na after taste kagaya nung mga nabibiling miki dito sa Manila. Tuwing umuuwi nga kami ng Batangas ay hindi pwedeng hindi kami dadaan ng palengke para kumain ng lomi. Hehehehehe.
CHICKEN LOMI GUISADO
Mga Sangkap:
1 kilo Lomi Noodles
1/2 kilo Chicken (cut into small pieces)
250 grams Kikiam (sliced)
100 grams Baguio Beans (sliced)
1 pc. Sayote (cut into strips)
100 grams Repolyo (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, i-prito ang hiniwang kikiam hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Isunod na agad ang hiniwang manok at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4. Lagyan ng apat na tasang tubig o chicken stock at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
5. Sabay nang ilagay ang Baguio Beans, sayote at lomi noodles. Halu-haluin.
6. Kung malapit nang maluto ang gulay at noodles ilagay na ang nilutong kikiam, oyster sauce at repolyo.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain na may kasamang calamansi habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments