LECHON MACAU ver. 2

Ito ang version 2 ng masarap na Lechon Macau na niluto ko.   In my first version, hiniwa ko na ang liempo ng mga 1/2 inch....pinakuluan sa mga spices at saka ko ni-roast sa turbo broiler.   Nakopya ko din lang ito sa isa pang food blog.   Nakatikim na din ako nito sa isang food stall sa may Glorietta 4 food court sa Makati.

In this second version hindi ko na ito pinakuluan sa spices kundi minarinae ko na lang ng overnight at diretsong ni-roast sa turbo broiler.   Masarap din ang kinalabasan.   Crispy ang skin at malasa talaga ang laman nito.   Try nyo din po.


LECHON MACAU ver. 2

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly o Liempo (yung manipis lang ang taba)
1 tbsp. Garlic Powder
1 tbsp. 5 Spice Powder
1 tsp. Ground Black pepper
1 tbsp. Rock Salt
2 tbsp. Sesame Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwaan ang pork belly sa parte ng laman papunta sa balat.  Huwag isasagad sa balat ha.   Mga 1/2 inch ang kapal.
2.  Sa isang bowl paghaluin ang asin, paminta, garlic powder at 5 spice powder.
3.   Unang imasahe sa paligid ng pork belly ang sesame oil.   Make sure na pati yung kasingit-singitan ay malagyan nito.
4.   Ikiskis naman ang pinaghalong mga spices sa paligid din ng pork belly pati yung mga pagitan na pinaghiwaan.
5.   Ilagay sa isang plastic bag at hayaan sa pinakamalamig na part ng fridge.   Hindi sa freezer ha.
6.   Lutuin ito sa oven o turbo broiler (skin up) sa pinaka-mainit na settings sa loong ng 45 na minuto op higit pa.

7.   After 30 minuto tusuk-tusukin ng tinidor ang balat ng pork belly sa lahat na part para mag-pop ang skin at maging crispy ito.
8.   Kung mapula na ito, hanguin sa isang lalagyan at palamagin bago hiwain.

Ihain na may kasamang lechon sauce o calamansi na may toyo at suka.   Acharang papaya ay okay din dito.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy