LONGA PENNE PASTA


Nitong nakaraang Mother's Day, ipinaghanda ko ng espesyal at simpleng breakfast ang ina ng aking mga anak at asawa na si Jolly.   French Toast, Longa Penne Pasta, Chicken Potato Salad at mainit na kapeng barako ang inihanda ko sa kanya.   Nakakatuwa naman at nagustuhan niya. :)

Sa pasta dish na ito na niluto, importante yung quality ng longanisa na gagamitin.   Siguro safe na na sabihin na yung natikman nyo na at nagustuhan nyo ang lasa ang gamitin nyo.   Otherwise, disaster ang kakalabasan ng inyo pasta dish.

Sa recipe kong ito, yung smokey type ang aking ginamit na medyo matamis ng bahagya.  


LONGA PENNE PASTA

Mga Sangkap:
1/2 kilo Penne Pasta (cooked according to package directions)
1/2 kilo Smokey Longanisa (remove the meat from the casing)
1 tetra brick All Purpose Cream
2 cups Cheese (grated)
1 large Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
1/2 cup Melted Butter
1 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang pasta according to package directions.
2.  Sa isang kaserola o kawali (yung kasya ang mga pasta na lulutuin).   Igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3.   Sunod na ilagay ang longanisa na inalis sa casing at halu-haluin.   Hayaan ng ilang sandali hanggang sa maluto ang longanisa meat.
4.   Ilagay na ang dried basil, 1 cup na grated cheese at all purpose cream.   Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay na ang nilutong pasta at haluing mabuti.

Ihain na may grated cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy